top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Notoryus na pusher, dedo sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 3, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 3, 2020



CEBU CITY—Dalawang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Talamban.


Ang mga suspek ay nakilalang si Michael Olid at Ariel Degulacion, kapwa nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba sina Olid at Degulacion sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.


Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang mga suspek na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang kilo ng shabu, baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page