Notoryus na pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 6, 2024
CAMARINES SUR -- Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Tambo, Pamplona sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng pulisya sa alyas na “Jerry”, nasa hustong gulang, nakatira sa nasabing lalawigan habang iniimbestigahan ito.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer sa naturang barangay.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga otoridad ng 70 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang arestuhin siya ng pulisya sa naturang barangay.



Comments