Notoryus na pusher arestado
@Balitang Probinsiya | November 5, 2022
MAGUINDANAO DEL NORTE—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Crossing Simuay, Sultan Kudarat.
Ang suspek ay nakilalang si Ali Andal, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Pigcalagan sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay dahilan kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments