Notoryus na pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | December 05, 2021
BATAAN--Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa bayan ng Dinalupihan.
Ang suspek ay nakilalang si Loreto Bartolome, 43-anyos at residente sa naturang bayan.
Ayon sa ulat, naaresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 100 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments