Notoryus na kidnaper, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | December 20, 2020
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang notoryus na kidnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Upper Pangi, Ipil.
Ang suspek ay nakilalang si Ibrahim Anduhol, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Anduhol sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong kidnapping, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments