Notoryus na kelot, wanted ng PNP
@Balitang Probinsiya | ngayong Abril 1, 2024
AGUSAN DEL SUR -- Isang notoryus na lalaki ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa ginawa nitong tangkang panggagahasa, pananaksak at panununog sa isang bahay, kamakalawa sa Brgy. Poblacion, Trento sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek.
Ayon sa ulat, pinasok ng suspek ang bahay ng isang pamilya sa nasabing barangay at dito ay tinangkang gahasain ang 16-anyos na dalagita na nagkataong nag-iisa lang sa kanilang tahanan.
Nabatid na nanlaban ang dalagita at sa galit ng suspek ay pinagsasaksak nito ang biktima at sinunog ang nasabing bahay at saka tumakas.
Napag-alaman na sumaklolo ang mga residente kaya nailabas ng bahay ang biktima at dinala ito sa pagamutan, samantalang naapula rin ng mga bumbero ang sinunog na bahay.



Comments