top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Notoryus na kawatan, tepok sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 2, 2023



CAVITE — Patay ang isang notoryus na magnanakaw nang manlaban at makipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Ligtong, Rosario sa lalawigang ito.


Kinilala ang suspek na si Aiben Herrera, 18, nakatira sa Bgy. Malainen Bago, Naic sa nasabing lalawigan.


May nag-report umano sa pulisya tungkol sa isinagawang panloloob ni Herrera, sa isang bahay sa bayan ng Maragondon sa naturang lalawigan.


Kaagad na rumesponde ang mga awtoridad hanggang sa matunton si Herrera sa bayan ng Rosario at nangdadapkin na sana ang suspek, nanlaban ito at pinagbabaril ang mga operatiba.


Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.


Napag-alaman na nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page