top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Notoryus na kawatan nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 12, 2023



AKLAN—Isang notoryus na magnanakaw ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bacan, Banga sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kaso nitong qualified theft.


Nabatid na itinuturing na notoryus na magnanakaw ang suspek dahil maraming kaso ito ng pagnanakaw sa lalawigan.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page