top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Notoryus na kawatan nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 1, 2023


LAGUNA – Isang wanted na notoryus na magnanakaw ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Dela Paz, Biñan City sa lalawigang ito.


Nakilala ang suspek na si Bernabe Galban, nasa hustong gulang at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa mga kinasasangkutan nitong mga kasong qualified theft.


Nabatid na may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ni Galban kaya naaresto ang suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page