top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Notoryus na karnaper, arestado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | July 22, 2023


CAPIZ — Isang notoryus na karnaper ang inaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bailan, Pontevedra sa lalawigang ito.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ronnie Tumlos, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Hipona, sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, pinara ng mga awtoridad si Tumlos dahil sa traffic violation at nang hanapan ng rehistro ang dala niyang motorsiklo ay wala itong maipakita hanggang dumating ang tunay na may-ari ng sasakyan at sinabing kinarnap ang naturang sasakyan kaya agad dinakip ng pulisya ang suspek.


Nabatid na kilala ang suspek sa naturang bayan bilang notoryus na karnaper ng mga motorsiklo.


Kusang sumama naman sa pulisya ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page