Notoryus na isnatser nasakote
- BULGAR
- Dec 12, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | December 12, 2022
BATANGAS—Isang notoryus na isnatser ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion 4, Tanauan City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Charlie Morro, nasa hustong gulang at residente ng Calamba City, Laguna.
Ayon sa ulat, habang naglalakad ang biktimang si Maria Nona Quatchion, nasa hustong gulang, sa nasabing barangay ay biglang inagaw ni Morro ang pitaka at cellphone ng biktima.
Dahil dito, agad humingi ng saklolo sa pulisya ang biktima at sa mabilis na responde ng mga awtoridad ay nadakip ang suspek.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong theft laban sa suspek.



Comments