top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Notoryus huli sa boga, granada at shabu

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 12, 2024

CAPIZ -- Isang lalaking notoryus ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, mga bala, granada at umano’y shabu kamakalawa sa Brgy. Parian, Sigma sa lalawigang ito.

 

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Baltazar Bastian, 47 at residente ng nabanggit na barangay.

 

Ayon sa ulat, kinatatakutan sa kanilang barangay si Bastian dahil sa madalas itong nagpapaputok ng baril kaya inireklamo ito ng mga residente sa pulisya.

 

Nabatid na sa pamamagitan ng search warrant na inisyu ng korte ay sinalakay ng mga otoridad ang bahay ni Bastian at dito nakumpiska ang isang baril, mga bala, granada at anim na pakete ng hinihinalang shabu.

 

Nakapiit na ngayon sa detention cell ng pulisya si Bastian na nahaharap sa mga kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosives at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page