top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Notoryus drug pusher natimbog

BULGAR
Nov 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 22, 2022


ZAMBOANGA CITY—Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Zambowood.


Ang suspek ay nakilalang si Gerardo Raval, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Raval ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 70 gramo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at siya ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page