top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nigerian, timbog sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 10, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 10, 2023


PAMPANGA – Isang Nigerian national ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Ninoy Aquino, Angeles City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay nakilalang si Ejike Emmanuel Chinedu, 27, at pansamantalang nakatira sa Mabalacat City sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Chinedu ay dito na agad dinakip ang suspek.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 20 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 laban sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page