top of page
Search
  • BULGAR

Ngayong uso ang kidnapping… 5 Tips para ‘di ma-target ng mga kawatan

ni Mharose Almirañez | September 1, 2022




Nauuso na naman ang diumano’y mga nangunguhang puting van at mga nawawalang indibidwal sa kalsada. Idagdag pa ang kuwento tungkol sa pagala-galang taong ahas sa loob ng isang mall.


Jusko, beshie, matatakot ka na lamang talaga lumabas ng bahay sa dami ng kababalaghang nangyayari sa ‘Pinas! Pero paano nga ba magiging ligtas laban sa masasamang loob?


Bilang concerned citizen, narito ang ilang safety tips:


1. MAGDALA NG EMERGENCY KIT. Kabilang dito ang pepper spray, whistle, SOS flashlight, tactical pen at tactical folding knife, na maaari mong magamit bilang pang-self-defense. May mga nabibiling set o kit nito online o puwede ka ring gumawa ng DIY pepper spray. Puwede mo ring gamitin ang de-spray mong pabango para makatakbo palayo sa tumatarget sa ‘yo at simulan mo na ring mag-whistle o mag-SOS flashlight para makahingi ng tulong.


2. PAG-ARALAN ANG BASIC SELF-DEFENSE. Karate, taekwondo, boxing o kahit basic self-defense ay puwede mo ‘yang i-apply in case of emergency. Halimbawa, may humintong puting van sa left side ng kalsada, malapit sa sidewalk kung saan ka naglalakad, tumakbo ka pabalik sa iyong pinanggalingan para mahirapan itong umandar paatras. Puwede ka ring magpatawid-tawid sa kabilang sidewalk para malito ang driver. Pumasok ka sa pinakamalapit na convenience store o fast food chain para makapagtago sa humahabol sa ‘yo. Bilisan mo ang takbo at huwag na huwag kang magpapahuli.


3. IPAALAM ANG ORAS NG UWI SA EMERGENCY CONTACTS. Kung may dyowa ka, mainam na alam niya ang bawat ganap sa buhay mo upang hindi siya mag-alala sa iyo. Malamang na sa kanya ka rin unang hahanapin ng mga kamag-anak mo kung sakaling may mangyaring masama sa ‘yo. Gayunman, hindi lahat ay may dyowa na puwedeng kontakin, kaya pag-aralan mo na ang mag-update sa iyong magulang at malapit na kaibigan para alam nila kung nasaan ka man. Nakakapanatag sa kalooban kung alam nila na pauwi ka na.


4. IWASANG UMUWI NG HATING-GABI. Kung hindi naman importante ang lakad ay huwag ka na magpaabot ng madaling-araw sa kalsada. Partikular na sa kababaihan na hindi lang basta maho-hold up o maki-kidnap dahil possible pa silang ma-rape. Pagsapit ng gabi ay d’yan na nagsisimulang gumala ang masasamang loob, kaya kung ayaw mong mapagtripan sa kalsada, huwag kang umuwi ng hating-gabi o iwasang dumaan sa masikip at madilim na eskinita. Para naman sa mga empleyadong kailangang kumayod hanggang madaling-araw, hangga’t maaari ay dumaan ka sa mataong lugar upang makaiwas sa tumatarget sa iyo. Kung maaari ay magpaiba-iba ka ng way o ruta pauwi. Minsan kasi ay matagal ka na nilang minamatyagan sa oras ng iyong uwi.



5. MAGING ALERTO. Igala mo ang iyong mga mata sa kapaligiran at obserbahan ang kada kaluskos sa paligid, mapa-yabag ng paa o gulong ng sasakyan man ‘yan. Kung maaari ay dumaan ka sa kalsadang abot ng CCTV upang madali kang ma-trace kapag may nagtangkang gumawa ng masama sa iyo. Huwag na huwag kang magseselpon sa kalsada. Puwede kang gumamit ng earphone bilang props. Aakalain kasi nilang nagchi-chill ka sa music, pero ang hindi nila alam ay naka-mute ‘yun at palihim kang nagmamatyag sa kapaligiran. Emo vibes.

Sana ay makatulong ang ilang tips na ito. Laging tandaan, mabuti na ang may alam at ugaliin ang pagiging ligtas. Safety first, ‘ika nga. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page