Ngayong may COVID ang mister… MAYOR LANI, AMINADONG 'DI MAALAGAAN SI SEN. BONG
- BULGAR

- Aug 12, 2020
- 1 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 12, 2020

Dahil naka-isolate si Sen. Bong Revilla, Jr. na nagpositibo sa COVID-19, hindi maiwasan siyempreng mag-alala ang misis niyang si Lani Mercado.
Post ni Bacoor Mayor Lani, hindi man lang daw niya puwedeng masamahan ngayon ang kanyang asawang may sakit.
“Papaano mo maipapakita ang pag-aasikaso at pag-aalaga sa iyong asawa na positive sa Covid-19? Hindi mo masamahan. Hindi mo mayakap. Hindi mo mahagkan dahilan sa kailangang mag-14 day isolation muli,” pahayag ni Lani.
“Sabay nito’y hindi nakakaligtaan ng inyong lingkod ang mga responsibilidad bilang Ina ng Lungsod at bilang ina ng aking mga anak,” patuloy niya.
Humingi rin siya ng dasal para kay Sen. Bong gayundin sa lahat ng infected ng COVID-19.
“Isama ninyo po sana sa inyong panalangin ang paggaling ni Sen. Bong Revilla at lahat ng may Covid-19. No one is spared, may katungkulan man sa bansa o wala.
“Patuloy akong magiging malakas at malusog para sa ating pamilya at bayan, Papa. Palakas ka...” pagtatapos ni Lani.





Comments