Negosyanteng tulak, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | February 08, 2022
CAGAYAN–Isang negosyanteng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Brgy. Centro Northwest, Solana.
Ang suspek ay kinilalang si Dante Dayag, 40-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang barangay.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments