top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Negosyanteng babae, nilikida

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 5, 2020



GENERAL SANTOS CITY—Isang negosyanteng babae ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Apopong.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at ulo ay nakilalang si Freya Cuevas, nakatira sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, naglalakad umano si Cuevas nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page