top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Negosyante, todas sa mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 11, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 11, 2021



BATANGAS—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng mga armadong lalaki sa labas ng kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. San Vicente, Sto. Tomas.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si David Garcia, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakatayo umano si Garcia sa harap ng kanilang bahay nang biglang dumating ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga salarin lulan ng SUV (Sports Utility Van) matapos ang pamamaril.


Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak si Garcia sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page