top of page
Gary V. - IG.jpg

Negosyante, tinodas ng tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 3, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 3, 2023


ZAMBOANGA CITY -- Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Brgy. Lapakan sa lungsod na ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Rodolfo Castro, 59, at residente sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Castro ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang mga suspek na nakasakay din sa isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na si Castro.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page