top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Negosyante, tinodas ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 15, 2020



GENERAL SANTOS CITY—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. City Heights.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Melvin Romero, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, kararating lang umano ni Romero sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Dinala pa ng kanyang kamag-anak si Romero sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page