top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Negosyante, tinodas ng gunman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 8, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | August 8, 2023


AKLAN -- Isang 32-anyos na negosyante ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Rivera, Ibajay sa lalawigang ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Melvin Lopez, nakatira sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang tindahan si Lopez ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Lopez.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page