top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Negosyante, tinepok ng riding-in-tandem

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 27, 2021



MASBATE—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Pasiagon, Placer.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo na si Mark Tero, nakatira sa naturang barangay.


Ayon sa ulat, nakatayo umano si Tero sa harap ng kanilang bahay nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad binaril ang biktima.


Matapos tiyaking patay na si Tero ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page