top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Negosyante, timbog sa drug-bust

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 2, 2023


CEBU -- Isang negosyante ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Roque, Talisay City sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Robert Fernan, nasa hustong gulang, residente ng Bgy. Maghaway sa nasabing lungsod.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang pagbentahan sila ng droga ng suspek ay dito na agad dinakip ang negosyanteng drug pusher.


Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 11 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Kusang sumama sa pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page