top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Negosyante, timbog sa checkpoint

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 10, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 10, 2020



ILOCOS NORTE—Isang negosyante na nag-iingat ng mga pekeng travel documents ang dinakip kamakalawa sa police checkpoint sa national highway ng Badoc.


Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.


Napag-alamang dahil sa banta ng COVID-19 ay hindi pinapayagang pumasok sa lalawigan ang mga motoristang walang kaukulang travel documents.


Ayon sa ulat, nang mapadaan ang negosyante na nakakulan sa kanyang sasakyan sa checkpoint ay mga pekeng travel documents ang ipinakita nito kaya agad siyang dinakip ng mga awtoridad.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong falsification of public documents.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page