Negosyante, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | November 6, 2020
NUEVA ECIJA—Isang negosyante ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dampulan, Jaen.
Nakilala ang suspek na si Dennis Laureano, residente sa naturang bayan.
Napag-alamang nagsagawa ng drug-bust operation sa naturang barangay at nang pagbentahan ni Laureano ng shabu ang mga operatiba ay agad itong dinakip ng pulisya.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments