Negosyante, tiklo sa boga at bala
- BULGAR
- Aug 31, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 31, 2023
ISABELA -- Isang negosyante ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya nang makumpiskahan ng tatlong baril at mga bala kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. San Andres, Cabatuan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay itinago muna ng mga awtoridad sa alyas na “Ruben” habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.
Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant ang bahay ni “Ruben” at dito nakumpiska ang tatlong iba’t ibang uri ng mga baril at mga bala.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa 3-counts ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments