Negosyante, tepok sa ligaw na bala

@Balitang Probinsiya | December 2, 2020
NORTH COTABATO—Isang negosyante ang namatay nang tamaan ng ligaw na bala sa naganap na pamamaril ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa public market ng bayan ng Pikit.
Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Esmail Asnor, residente ng Kidapawan City.
Ayon sa ulat, biglang pinagbabaril ng suspek ang nagngangalang Nasrudin Guimadin sa loob ng palengke at aksidenteng tinamaan ng ligaw na bala ang biktima.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng insidente si Asnor, samantalang dinala ng mga saksi si Guimadin sa ospital at ginagamot na ito dahil naman sa tinamo nitong tama ng bala sa katawan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang salarin.



Comments