top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Negosyante, pinatay sa bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 23, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 23, 2020



QUEZON—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng mga armadong lalaki sa loob ng kanilang bahay kamakalawa sa Bgy. Sampaloc 2, Sariaya.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Ejay Marasigan, nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nasa loob ng sa kanilang bahay si Marasigan nang biglang pumasok ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.


Dinala pa ng kanyang mga kamag-anak si Marasigan sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page