top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Negosyante, pinatay ng riding-in-tandem

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 10, 2021
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | February 10, 2021



COTABATO CITY—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Poblacion 6.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Hadji Mokamad, residente ng Bgy. Bagua 1 sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, nakatayo sa harap ng kanyang tindahan si Mokamad nang biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.


Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga salarin.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page