top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Negosyante niratrat ng mga armado

BULGAR
Dec 2, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | December 2, 2022


ALBAY—Isang 56-anyos na negosyante ang namatay nang pagbabarilin at tadtarin ng bala ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Inamnan Pequeno, Guinobatan.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Noli Tolosa, residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, kabababa lang ni Tolosa sa kanyang kotse at papasok na ito sa kanilang tahanan nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Nabatid na mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang kay Tolosa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page