Negosyante, niratrat ng mga armado

@Balitang Probinsiya | January 21, 2021
TACURONG CITY—Isang negosyante ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Poblacion.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Charlemagne Gallas, nakatira sa Bgy. San Pablo sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, nasa loob ng kanyang pet shop si Gallas nang pumasok ang mga suspek at biglang pinagbabaril ang biktima.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.



Comments