Negosyante, nilikida ng riding-in-tandem
@Balitang Probinsiya | March 5, 2022
NUEVA ECIJA–Isang negosyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Soledad, Sta. Rosa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Roderico de Leon, 35-anyos, residente ng Bgy. Mambangan, San Leonardo sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, lulan ng tricycle si De Leon nang sumulpot ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos tiyaking patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.



Comments