top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Negosyante nabiktima ng 'gapos gang'

BULGAR
Oct 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 25, 2022


ISABELA—Isang negosyanteng babae ang nabiktima ng "Gapos Gang" nang looban ang kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. Malapat, Cordon.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Imelda Trajano, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa bahay ni Trajano at iginapos ang biktima at saka ninakaw ang cash na nagkakahalagang P500,000, lisensyadong 9mm pistola at mga cellphones na pag-aari ng negosyante.


Matapos ang pagnanakaw ay mabilis na tumakas ang mga suspek.


Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at naglunsad na rin ngayon ng manhunt operations ang pulisya para madakip ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page