Negosyante, inambush ng riding-in-tandem

@Balitang Probinsiya | March 12, 2021
NUEVA ECIJA—Isang negosyante ang namatay sa isinagawang pananambang at pamamaril ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Norman Garcia, nakatira sa Bgy. Sapang.
Ayon sa ulat, habang minanameho ni Garcia ang kanyang SUV (sports utility vehicle) ay biglang sumulpot ang dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga suspek sa pagpatay sa biktima.



Comments