Negosyante, hinoldap ng 1 armado
@Balitang Probinsiya | November 11, 2021
CAPIZ—Isang negosyante ang hinoldap ng armadong holdaper kamakalawa sa Bgy. Bugsuan, Dumarao.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Alvin de Jose, 24-anyos, nakatira sa Bgy. Burias sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si De Jose nang harangin ng suspek na armado ng baril at pagkaraan ay nagpahayag ng holdap.
Nabatid na natangay ng suspek sa biktima ang higit P24 cash
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



Comments