Negosyante, dedbol sa ambush
@Balitang Probinsiya | December 03, 2021
CEBU—Isang negosyante ang namatay sa isinagawang ambush ng mga hindi kilalang salarin kamakalawa sa Bgy. Lipata, Minglanilla.
Kinilala ng pulisya ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Jimmy Hernandez, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang lalawigan.
Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Hernandez ang kanyang SUV (Sports Utility Vehicle), kasama ang kanyang misis at kasambahay nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nabatid na namatay sa pinangyarihan ng krimen si Hernandez, samantalang hindi naman tinamaan ng bala ang kanyang misis at ang kasambahay.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin.



Comments