Negosyante, binoga ng holdaper

@Balitang Probinsiya | February 4, 2021
AKLAN—Sugatan ang isang negosyante nang barilin ng holdaper kamakalawa sa Bgy. Estancia, Kalibo.
Ang biktimang nagtamo ng tig-isang tama ng bala sa tiyan at kanang braso ay nakilalang si Eduard Alvarez, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanyang tindahan si Alvarez ay biglang pumasok ang suspek at nagdeklara ng holdap, pero nanlaban ang biktima kaya binaril ito ng holdaper.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang holdaper, samantalang ginagamot na sa ospital ang biktima.



Comments