top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Negosyante, binaril ng kainuman

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 28, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 28, 2021


CAMARINES SUR--Isang 45-anyos na negosyante ang sugatan nang barilin ng kanyang kainuman kamakalawa sa Bgy. Camagong, Tinambac.


Ang biktima ay nakilalang si Aurelio Ros, samantalang ang suspek ay si Allen Montalban kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, nag-iinuman sina Ros at Montalban nang magkaroon ng pagtatalo na humantong para barilin ng suspek ang biktima na tinamaan sa katawan.


Kaagad dinala ng mga saksi si Ros sa ospital at kasalukuyan pa itong inoobserbahan sa pagamutan.


Pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page