top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Negosyante, arestado sa droga

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 12, 2023


AKLAN -- Isang negosyante ang inaresto sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Brgy. Mobo, Kalibo sa lalawigang ito.


Ang nadakip na suspek ay kinilala ng pulisya na si Jerry Sim, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing lugar matapos na pagbentahan nito ng droga ang mga operatiba na nagpanggap na buyer ng umano’y shabu.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang hinihinalang shabu, markadong pera, dalawang baril, mga bala at isang granada sa pag-iingat ng suspek.


Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, illegal possession of firearms, ammunitions and explosive at sa Comelec gun ban.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page