top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Negosyante, 1 pa pinagbabaril

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 12, 2023



ZAMBOANGA SIBUGAY – Isang negosyante ang namatay at sugatan naman ang kaibigan nito nang barilin sila ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Solar, Oluntanga sa lalawigang ito.


Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang sina Alhadz Hajula at Adzfar Lakkian, kapwa nasa hustong gulang.


Ayon sa ulat, nagkukuwentuhan sina Hajula at Lakkian sa nasabing lugar nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos pagbabarilin ang dalawa.


Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Hajula.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page