Navotas City, isasailalim sa 14 days lockdown
- BULGAR

- Jul 13, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2020

Inanunsiyo ni Mayor Toby Tiangco na isasailalim sa lockdown ang Navotas City dahil sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa naturang lugar, patuloy pa rin sa paglabas ng bahay ang mga residente nito.
Aniya, "Kailangan namin gawin 'to, wala kaming choice kasi ang tigas ng ulo ng tao, eh.
"Talagang magla-lockdown po kami for 14 days. Buong Navotas po, but 'yung lockdown is for residents. Businesses will be allowed to operate, 'yung mga may trabaho, papayagang pumasok. Ang iistriktuhan lang po namin, ang 'di namin papayagan ay leisure activities, exercises, ganyan."
Ayon kay Mayor Tiangco, hinihintay lamang niya ang augmentation force na ni-request niya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) upang masimulan na ang implementasyon ng lockdown sa Navotas City.
Aniya, “Ang plano namin ay magsimula sa July 15 pero ito ay tentative pa. Hinihintay pa namin ang police augmentation na inihahanda na ng PNP.”
Itinaas din sa P1,000 mula sa P300 ang multa sa mga magulang na hahayaang maglaro sa labas ng bahay ang kani-kanilang mga anak.
Saad ni Mayor Tiangco, "Hindi namin interest na kumolekta ng pera, gusto lang namin disiplinahin n’yo 'yang anak n’yo.”
Samantala, sa 14-day city-wide lockdown ay isasagawa ang random RT-PCR testing.





Comments