top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Naudlot na pag-a-abroad dahil sa pandemya, matutuloy next yr. at yayaman pa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| October 22, 2020




KATANUNGAN

  1. Nag-a-apply ako sa abroad bilang D.H. noong March nang biglang magkaroon ng pandemic at nag-lockdown ang agency na ina-a-apply-an ko. Aalis na sana ako noon, kaya lang, dahil sa nangyari ay hindi ako natuloy.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung sakali bang bumalik sa normal ang lahat, matutuloy na ba ako sa pag-a-abroad kong ito?

  3. Kung halimbawang makapag-a-abroad ako, magiging maganda ba ang buhay ko sa Middle East at kailan ako makaaalis? Gayundin, may pag-asa ba akong yumaman? Balak ko rin kasing mag-negosyo kung sakaling makaipon na ako ng sapat na puhunan.

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing may malinaw, mahaba at malawak na Travel Line Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran, na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng iyong lagda na umaalon-alon at lumilipad. Ibig sabihin, ngayon palang ay nasasagap na ng unconscious mong isipan ang positibong pangyayaring magaganap sa iyong kapalaran patungong abroad sa takdang panahon.

  2. Ang pag-a-abroad na nabanggit ay muling kinumpirma at pinatunayan ng birth date mong 5 kung saan sa edad mong 32 pataas, sa 2021, (alalahaning ang 2021 ay may sumatotal ding 5, dahil ang 2021 ay 20+21=41/ 4+1=5), ibig sabihin, may mahalagang pangyayaring magaganap sa iyong karanasan sa nasabing taon sa edad mong 32 (ang 32 ay 5 din, dahil ang 32 ay 3+2=5). Ang pangyayaring ito na magaganap sa iyong buhay ay ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa, na tulad ng nasabi na, tinatayang magaganap sa 2021 sa edad mong 32 pataas.

  3. Kaya kung sakaling magbabalik sa normal ang lahat at walang tigil kang mangingibang-bansa, darating ang panahong makakaipon ka ng malaking halaga na maaari mong magamit na puhunan, upang lalo pang umunlad at sumagana ang inyong kabuhayan, na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagbabadya o nagpapahiwatig ng pagyaman.

DAPAT GAWIN

Kaya, Menchie, ayon iyong kapalaran, tiyak ang magaganap sa 2021, pinakamatagal na sa Setyembre o Oktubre sa edad mong 32 pataas– may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran na magiging simula upang ang kabuhayan mo ay unti-unti na ring umunlad at sa bandang huli, kapag nagnegosyo ka, na maaaring sa 2030, sa edad mong 41 pataas, mabilis na lalago ang iyong negosyo hanggang sa tuluy-tuloy ka na ring yumaman (Drawing A. at B. H-H arrow b.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page