Natutulog na kelot, kinatay ng lasing
@Balitang Probinsiya | ngayong Pebrero 28, 2024
QUEZON -- Isang natutulog na lalaki ang namatay nang pagtatagain ng isang lasing kamakalawa sa Brgy. Ilayang-B., Lopez sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng taga sa katawan na si Felix Fecito, nasa hustong gulang, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t iniimbestigahan ito ng mga otoridad.
Ayon sa ulat, natutulog umano si Fecito sa upuan ay nadaanan ito ng lasing na suspek at sa hindi malamang dahilan ay pinagtataga nito ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong murder.



Comments