top of page
Search
BULGAR

Nation builders’ kinilala sa mas pinalaking Sustainability Awards sa Pilipinas!

by Info @Brand Zone | Dec. 6, 2024




Paranaque, Philippines – Muling kinilala ng Nation Builders and MOSLIV Awards ang mga natatanging indibwal na nagpakita ng galing at dedikasyon para mag-iwan ng positive impact sa kanilang mga nasasakupan, sa awards night na ginanap noong Huwebes, Nobyembre 28, 2024 sa Grand Ballroom ng Okada Manila.


Nakatanggap ng parangal ang iba’t ibang personalidad mula sa mga government sector, philanthropists, business executives, at iba pang remarkable individuals dahil sa kanilang inisyatibo na itulak ang nation-building at makamit ang sustainable development at inclusive countryside growth.


Ang MOSLIV, which stands for “Most Sustainable and Liveable,” aims to unite Filipinos para makamit ang United Nations Sustainable Development Goals at magkaroon ng climate-neutral society by 2050.


“We are almost halfway through the UN SDG 2030 Agenda. Kahit may setbacks dahil sa COVID-19, yung mga natutunan natin in the past few years, nagpalakas at nagpabuti sa atin para harapin ang marami pang challenges in the future,” sabi ni SSI President and CEO, Mr. Kenneth Rocete.


Kinikilala ng Nation Builders and MOSLIV Awards ang kontribusyon ng mga notable individual from government – from representatives sa Congress, governors, vice governors, board members, mayors, vice mayors, councilors, down to barangay level – pati na rin ang mga philanthropists from the non-government sector, mga CEOs, at Business Innovators as “Modern Filipino and Filipina Heroes, Most Empowered Men and Women, mga Public Servant at mga exceptional performing artist sa iba’t ibang larangan.


“As a premier organization focused on charting a path of progress and resilience, ang Sustainability Standards, Inc. continues to champion the integration of principles for a smarter, healthier, and greener community. Binabati din ng President ang mga distinguished awardees for their efforts in improving the lives of Filipinos, boosting the competitiveness of their province, district, cities, municipalities, and communities. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng growth trajectory, equity and conservation of natural resources, na mag-provide ng equitable opportunities at well-being ng ating mga kababayan. Committed ang kanyang administrasyon to achieve the United Nations Sustainable Development Goals and to promote public awareness on the importance of a whole-of-nation approach sa pagharap sa issues ng climate change by enjoining everyone from policy making, to devise inclusive solutions, participate in civic programs, at practice ng responsible consumption of energy.” - From the message ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.


Kinilala ngayong taon bilang Awarded Honorary Public Servant of The Year - Excellence in Governance & Strong Institutions si Atty. Agnes Vicenta S. Torres-Devanadera – President & CEO of Clark Development Corporation; Awarded Honorary Public Servant of the Year - Excellence in Foreign Relations and Diplomatic Affairs; si Dra. Bae Okile Mangondato Sharief, Alhadja – Founder, Chairwoman, and President ng Lanao Central College, Inc. – LCCI; Awarded Honorary Congressman of the Year sina; 1-PACMAN Party List Representative Michael L. Romero; Samar 2nd District – Representative Reynolds Michael T. Tan; Isabela 4th District Representative Joseph Salvador Tan, at iba pa.

Awarded Honorary Governors, Vice Governors, Board Members, at iba pang leaders mula sa iba’t ibang lugar ay binigyang pugay at parangal dahil sa kanilang kontribusyon sa kapayapaan at pagtataguyod ng bansa mula sa mga inisyatibo nang maayos at malinis na pamamahala sa lokal at community development.

 

Para sa karagdagang info, bisitahin ang website ng SSI sa www.sustainability-standards.org



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page