top of page

Napadulong marriage line, tanda na mag-aasawa ‘pag lagpas 39-anyos na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| August 10, 2020




KATANUNGAN

  1. Nakakahiya mang aminin, pero ako ay binata pa rin sa edad na 38. Nagka-girlfriend na ako noon, kaya lang ay hindi nagtagal dahil matagal ako sa abroad.

  2. May nililigawan ako ngayon na isinilang noong September 24, 1988. May pag-asa bang maging girlfriend ko siya? Maganda naman ang pakikitungo niya sa akin sa tuwing magkasama at nag-uusap kami.

  3. Sana siya na ang nakaguhit sa aking mga palad upang makapaghanda na ako sa pagkakaroon ng sariling pamilya dahil nagkakaedad na ako at wala pa ring nangyayari sa naiipon at naipundar ko habang ako ay nasa abroad.

KASAGUTAN

  1. Medyo napadulo ang Marriage Line (Drawing A at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Pansinin mong makikita ang nasabing guhit ng pag-aasawa hindi sa gitnang bahagi, sa halip ay mas malapit sa daliri ng kalingkingan o hinliliit (arrow a.). Ito ay malinaw na tanda na ang iyong pag-asawa ay magaganap humigit-kumulang sa edad mong 39 pataas. Ibig sabihin, kung hindi ngayong 2020, malamang na sa susunod na taon ka pa makapag-aasawa.

  2. Pansinin mo ring tuwid na tuwid ang pagkakapahalang ng iyong Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ang tinatawag na “good looking marriage line”, na nangangahulugang ito ay may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pag-asawa, na siya ring pinapangaraap ng bawat indibidwal na tulad mong malapit nang tumandang binata.

  3. Ang maligayang pag-aasawa ay kinupirma rin ng iyong lagda na suwabeng-suwabe mong isinulat, walang bumabalik na guhit sa direksiyong pakaliwa. Sa halip, malinaw at tuluy-tuloy na umusad patungong kanan na nagtapos sa isang straight line na stroke. Ibig sabihin, ito ay malilinaw na tanda na sa sandaling nakapag-asawa ka, habambuhay ka nang liligaya sa piling ng kaisa-isang babaeng malaon mo nang tinatangi-tangi at minahal na sa kasalukuyan ay kilala mo na.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Upang madali kang makapag-asawa, sundin mo ang ganitong mga pamamaraan: Una, tuwing pupunta ka sa nililigawan mo, dapat ay laging pare-pareho ang oras ng punta mo, ganundin ang araw. Halimbawa, tuwing Sabado, alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi. Kung ganu’n, dapat ay laging ganu’n ang oras.

  2. Dapat palagi kang may dalang regalo kung saan ang ibibigay mo sa kanya ay dapat na isang klase lang. Halimbawa, ice cream, chocolates o cake.

  3. Kailangan palagi kang nakasuot ng damit na may dekorasyong pula o kahit na pula na mismo tuwing kayo ay magkasama.

  4. Sa sandaling nagawa mo ang mga nasabing paraan, tiyak ang magaganap, Mr. Gemini. Ayon sa iyong mga datos, hindi magtatagal at tuluyan nang mahuhulog ang loob sa iyo ng nililigawan mo na nagtataglay ng zodiac sign na Libra, upang pagsapit ng 2021 sa edad mong 39 pataas, siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page