Nanlabang tulak, dedo sa shootout

@Balitang Probinsiya | March 10, 2021
ALBAY—Isang drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. 44-Pawa, Legazpi City.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Charlo Rivero, 25-anyos at nakatira sa Bgy. 16-East Washington Drive sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Rivero na mga pulis ang kanyang pagbebentahan ng shabu kaya pinagbabaril nito ang mga operatiba.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang mga suspek.
Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments