top of page
Pokwang.jpg

Nanlabang rapist, dedbol

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 14, 2020
1 min read

@Balitang Probinsiya | November 14, 2020



MISAMIS ORIENTAL—Isang wanted rapist ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Ani-e, Claviera.


Kinilala ang napatay na suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan si Arnel Saguilong, residente sa nabanggit na barangay.


Ayon sa ulat, nakita ng pulisya na umuwi sa kanilang bahay si Saguilong at aarestuhin sana ito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.


Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page