top of page
Search
  • BULGAR

Nanlabang pugante, dedo sa shootout

@Balitang Probinsiya | October 28, 2020



CEBU CITY—Isa sa tatlong pugante ang napatay nang manlaban sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Luz.


Kinilala ang napatay na suspek na si Roberto Ludong, takas na bilanggo sa detention cell ng Mabolo Police Station sa naturang lungsod.


Nabatid na si Ludong, kasama ang dalawa pang pugante na sina Oliver Basak at Nico Baylosis na may iba’t ibang kaso ay tumakas sa pamamagitan ng pagputol sa rehas ng detention cell ng pulisya.


Kaagad nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya at naaresto si Basak, pero si Ludong ay nanlaban kaya napatay ng mga awtoridad.


Pinaghahanap pa ngayon ng mga awtoridad si Baylosis.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page