Nanlaban sa holdaper, 2 bebot pinagsasaksak
- BULGAR
- May 6, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 6, 2023
AKLAN—Dalawang dalaga ang sugatan nang manlaban sa isang holdaper, kamakalawa sa Bgy. Manoc-Manoc, Malay sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa kamay na sina Beverly Leones, 21, at Juwilyn Sinag, 23, kapwa nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, naglalakad umanong pauwi sina Leones at Sinag nang harangin at holdapin sila ni Jerry Alarcon, 25, tubong Mindoro province, pero nanlaban ang dalawang biktima kaya pinagsasaksak sila ng suspek.
Nagtangkang tumakas ang suspek, pero nadakip siya ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.
Nakapiit na si Alarcon sa detention cell ng himpilan ng pulisya, samantalang ginagamot pa sa ospital ang dalawang biktima.



Comments